Ang tagal ko nang hindi naglalagay dito. Ang dami nang bagay na nagbago. Hindi ko na gaano "kagusto" yung gusto ko. But I think that she already knows that I like or liked her, so oh well I hope she feels the same way. Bahala na. Tapos first time kong bumagsak sa card kahit na sa midterms man lang. Burat kasi ng computer eh, tagabundok lang ako. Uhm, tapos nagumpisa na yung training sa COLT. Hindi naman siyang masyadong mahirap eh, kailangan lang ng tiyaga. Aliw rin, sabi ng ibang mga tao na pumapayat daw ako... Marahil fishing lang sila pero kung hindi, salamat.
Ang tagal ko nang hindi naglalaro ng airsoft, feeling ko sira na yung mga gamit ko. Boring pa kapag nasa bahay. Onga pala, the other day nanood ako ng gig nila ton kasama si pagda, sayang hindi ko naabutan sila rex. Aliw pa,libre nila rex at ton yung beer, drink all you can. I'm not saying that I drank any, but I'm also not saying that I didn't! hahaha! Sayang, wala sila iceman at yung iba pa... Sayang din hindi nalasing si pagda, gusto ko talaga siyang makitang sumusuka na nakahiga! NO OFFENSE PAGDA!
July 27 2005, 14:04:20 UTC 6 years ago
July 29 2005, 15:05:05 UTC 6 years ago